LOL
It takes time to move on. Akala ko madali lang mag move on. Isang inoman lang, isang tulogan, o isang matinding iyakan. Pero nagkamali ako, tumagal ng limang buwan bago ako nakapag move on at tinanggap ko na di na talaga kami para sa isa’t isa.
Di naman kami nag tagal eh. Anim na buwan lang pero pakiramdam namin dumaan na ang maraming taon sa amin. Masaya kami noon, lagi kaming nagtatawanan, nag kukulitan, magka usap sa cellphone, nag kikita, sabay na kung umuwi at kumain, katabi ko siya matulog minsan at marami pang iba. Kahit nag aaway kami, nag hahanap naman kami ng paraan para magkabati lang. Hanggang memories na lang yun :’(
Dumating kami sa matinding awayan. Inakala ko na di cya susuko :’( pero bumitaw din cya (di ko na sasabihin ang rason). In 5 months, umasa ako na balang araw babalik cya at sasabihin nyang mahal na mahal nya ako. Umasa lang ako sa wala :’( di ko na nakikilala sarili ko. Yung dating APRIL na masayahin at masigla ay pinalitan ng malungkot at tahimik.
Sa mga araw na hiwalay kami di ko alam ano na ginagawa niya. Sino ba kasama nya. O iniisip ba nya ako. Basta ako siya lang ang tanging laman ng puso’t isapan ko. Yun yung mga araw na ayokong balikan. Ayokong magising kasi ayoko harapin ang totoong ngyari sa buhay ko. Lagi ko hinihintay tawag at text niya pero ni isa wala akong natanggap.
Isang araw, nalaman ko na lang na may girlfriend na siya. Nasaktan ako, gumuho ang mundo ko. Gusto ko ng mawala at tumakas sa rehas na ginawa niya. Pero naging martyr pa rin ako sa kanya. Umasa ako isang araw babalik cya. Nag kikita kami ng patago. Nagsasama ng patago. Masaya na ako kahit PATAGO LANG! Ayos na sa’kin yun. Tinanggap ko ang lahat kasi mahal ko siya. Ano mang sabihin nila tungkol sa kanya masasama man o mabubuti tinatanggap ko buong buo. Di nagtagal nag hiwalay din sila, umasa ulit ako. Hinintay ang pag babalik pero ayaw na niya :’( sinabi ko na sa sarili ko na AYOKO NA!! AYOKO AYOKO AYOKO NA!!! Tinigilan ko na ang lahat. Ayoko ng masaktan pa at umasa pa sa kanya.
Darating yung panahon na marerealize mo na kailangan mong mahalin ang sarili mo kaysa ibang tao. Kahit gaano mo pa kamahal siya kung hindi naman pala kayo, hinding hindi magiging kayo. Marami akong natutunan sa kanya. Sakit at ligaya. Sa kanya ko naramdaman lahat lahat ng yun.
LIFE MUST GO ON! May aalis, may papasok. Hihintayin ko ang tamang lalaki na mag aalaga at magmamahal sakin ng totoo. Pinapalaya ko na siya. Bahala na ang Dyos mag takda sa’min. Kung mag kikita pa ba kami o hindi na. PAALAM :’( </3












